I really don't know how to begin with this but these are the thoughts that came out of my mind as I started writing this. I know that some might not be happy with this post but this might serve as lessons and awakening to all of us. I am also telling you that I am not perfect but I am always trying to do my best to do the right thing. Here is one quote that I had written last time.
"I am not human if I don't commit mistakes
but I am thankful that through these mistakes,
I learn more about life
and my life has become better."
by: Ruby Benz
Before I start, I would like to thank and acknowledge the PEBA organizer, Kenji and all supporters who made this event possible! Congratulations to all of you and good luck to all PEBA participants.
but I am thankful that through these mistakes,
I learn more about life
and my life has become better."
by: Ruby Benz
Before I start, I would like to thank and acknowledge the PEBA organizer, Kenji and all supporters who made this event possible! Congratulations to all of you and good luck to all PEBA participants.
I guess I am starting right now. Please bear with me because this is quite a very long post. I apologize for that. I hope you have the patience to continue reading. I also apologize for any errors in grammar or typing. Your very welcome to correct them. Continue reading please!
Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo ay nandito sa banyagang bayan.
Bakit nga ba milyong mga Filipino ang nakipagsapalaran sa milya-milyang layo'ng mga bansa ng dayuhan. Sa gitnang silangan, Amerika, Europa, Australya, Kanada at sa iba pang panig ng mundo. Wika nga parang mga kabute raw tayo. Bakit nga ba nagtiis ang ibang Filipino sa init ng Saudi Arabia at sa lamig ng Europa?
Minsan tinatanong ko rin, bakit ko nga ba iniwan ang aking magara at matinong trabaho sa bangko, sa opisinang di-aircon pa at isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Oo, magara nga kung tingnan ang uniporme ngunit magkasya ba ang suweldo sa limang kapatid ko noong pinapaaral sa kolehiyo? Masusuportahan ko ba at matulungan ang aking pamilya sa kakapiranggot na sahod? Ang mga ito ay iilan lamang sa mga katanungan na aking napag-isipan. Bakit nga ba iniwan ang sarili kong bayan?
Alam kong hindi ko obligasyon na buhayin ang aking pamilya. Pero dahil na rin siguro sa dugo natin ang pagiging matulungin at pagmamahal sa pamilya kaya natin nagawa ang lahat ng sakripisyong ito. Nais kung maiahon ang aming pamilya at mabigyan ng magandang edukasyon at bhinaharap ang aking mga kapatid. Yun ang ibang dahilan na nagbigay ng inspirasyon at determinasyon kung bakit nakaya kong iwanan ang aking mahal pamilya sa Pilipinas pati na rin ang aking mga mahal na kaibigan.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo ay nandito sa banyagang bayan.
Bakit nga ba milyong mga Filipino ang nakipagsapalaran sa milya-milyang layo'ng mga bansa ng dayuhan. Sa gitnang silangan, Amerika, Europa, Australya, Kanada at sa iba pang panig ng mundo. Wika nga parang mga kabute raw tayo. Bakit nga ba nagtiis ang ibang Filipino sa init ng Saudi Arabia at sa lamig ng Europa?
Minsan tinatanong ko rin, bakit ko nga ba iniwan ang aking magara at matinong trabaho sa bangko, sa opisinang di-aircon pa at isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Oo, magara nga kung tingnan ang uniporme ngunit magkasya ba ang suweldo sa limang kapatid ko noong pinapaaral sa kolehiyo? Masusuportahan ko ba at matulungan ang aking pamilya sa kakapiranggot na sahod? Ang mga ito ay iilan lamang sa mga katanungan na aking napag-isipan. Bakit nga ba iniwan ang sarili kong bayan?
Alam kong hindi ko obligasyon na buhayin ang aking pamilya. Pero dahil na rin siguro sa dugo natin ang pagiging matulungin at pagmamahal sa pamilya kaya natin nagawa ang lahat ng sakripisyong ito. Nais kung maiahon ang aming pamilya at mabigyan ng magandang edukasyon at bhinaharap ang aking mga kapatid. Yun ang ibang dahilan na nagbigay ng inspirasyon at determinasyon kung bakit nakaya kong iwanan ang aking mahal pamilya sa Pilipinas pati na rin ang aking mga mahal na kaibigan.
Bawat isa sa atin ay may mga dahilan kung bakit natin iniwan ang sariling bayan. Alam kong meron ding mga kapwa Filipinong di nila maintindihan kung bakit nga ba iniwan natin ang sariling bayan. Kung ano man ang ating kanya-kanyang mga dahilan, alam ko na dahil ito sa kapakanan at kabutihan ng ating pamilya at sambayanan. Alam ko rin na may kanya-kanya tayong mga kuwento at argumento dahil sa ibabaw ng mundong ito ang buhay ay sadyang ganito. Kaya heto at simulan ko na Ang tulang walang titulo Upang magsilbing gabay sa atin at pumukaw sa ating damdamin. Mahigit anim na taon akong nakipagsapalaran sa bansa ng mga Aleman. Aking masasabi na natagpuan ko dito ang aking bagong mundo at tahanan. Ngunit di ko parin makalimutan na nanalaytay sa aking mga kaugatan at sa aking puso na ako ay Filipino. Hindi ko nga mawari at maintindihan na merong mga kababayan na itinakwil at tinalikdan ang kanilang pinanggalingan. Inaakong sila ay Amerikano o ano pa man Ngunit sa kayumangging kulay ng balat at kapanguan ng ilong, sila pa rin ay Filipino kahit lumubog man ang mundo. "BATO-BATO SA LANGIT ANG TAMAAN HUWAG MAGALIT" Minsan meron din akong natagpuan. Akala ko ay kababayan. Akin siyang nginitian. Ngunit ganti niya'y kabastusan. Sino ba ang di masaya kung may nakita tayong kapwa Filipino at Filipina at tinuring pa nating kapamilya Ngunit wala ring kabuluhan kung tayo ay tinalikdan at siniraan. Meron pa akong nakilala. Akala niya as magandang buhay sa Alemanya Maganda nga ba pag sinaktan ka ng iyong kabiyak at asawa. Tinulungan ko siyang lumaya. Alang-alang man lang sa sanggol niyang dinadala Sana naman may kinabukasan pa sa isang kawawang katulad niya. Meron pa ditong kapwa Filipina Buwan-buwan nagpapadala Akala si Nene ay nag-aaral pa Nalulong pala sa bisyo at barkada. Humingi din ng pera si Nanay at Tatay Ang sabi ipacheck-up daw sa ospital Ngunit sa madyungan at sabungan lang pala Bumagsak ang padalang pera. Kawawa naman si Ate at si Kuya Pati na rin ang tinatawag na mga Ama't Ina Nagtiis na magtrabaho para lang sa pamilya Ngunit minsan ang padalang pera Ay nauwi lang sa wala. Nandito pa ang akala mong si senyora Nanggaling lang sa Canada o Europa Pag nagbakasyon sa Asya Akala mo kung sinong manlait at umasta Di pa inamin na katulong lang siya. Nagyabang pa itong si Neneng Dahil alahas niya's nagniningning Mamahalin pa raw ang mga bag at gamit niya Kasama na ang gucci at prada Yun pala'y kredit kard ginamit nya. Ang problema pa diyan Pagdating ng bayaran Ubos na pala ang sinahod niya. Patay kang bata ka! Heto rin pong si Inday Umiiwas sa kapwa Pinay Dahil sa di magandang karanasan Kanyang kabutihan at kabaitan Sinuklian ng kademonyuhan. Kaya minsan pumasok sa isipan Mabuti pang blogging sa internet ang atupagin Marami pang matutunan At kikita pa ng pera kahit kapiranggot lang. Naku ewan minsan di ko maintindihan Itong ating ibang mga kababayan Mapagmataas at sobrang mayabang. Mga gawaing wala namang kabuluhan. Eto pa si Miss Tekya Nagyabang sa mga kakilala Milyon daw ang bahay niyang magara Pero yun pala, sa kabitbahay niya. Siguro okey lang na mayabang Kung totoo namang lahat ng salitang sinabi at binitiwan Pero wala namang katotohanan. Kaya kuntento na rin ako Sa aming bahay na luma pero buo Basta naman ang nakatira ay masaya At maturing mong totoong tao. Meron ding ibang mga kabitbahay Tinuring mong kapatid at kasambahay Pinagkatiwaan bilang tapat na kaibigan Pagkatalikod mo pa lang Tinira ka na at binanatan. Sino naman sana ang magtutulungan Kundi kapwa magkababayan Ngunit ang masakit pa diyan Kung ikaw ay tinalikdan At sinuklian ng purong kasinungalingan. Nandiyan rin si Tralala Nakapag-asawa lang ng puti sa Amerika Akala mo'y mas malaki pa Sa kalabaw na tinuntungan niya. Wika nga, "langaw na tumuntong sa kalabaw". Nais ko ring ipaalam Bago mawala sa aking isipan Ang tunay na kahulugan ng buhay Ay di lahat sa materyal na bagay. Hindi rin po masamang mangarap Na tayo'y yumaman at umangat Basta ito ay galing sa sariling pagsisikap At hindi panloloko sa ibang tao. Huwag din po nating husgahan Ang ating kapwa kababayan Lalo na at tayo'y walang kaalaman Sa tunay niyang kalagayan. Kaya kung wala kang masabing kabutihan Sa iyong kapwa at kababayan Mabuti pa'y itikom mo na Yang bunganga mong bumubula. Alam kong masakit ang katotohanan Pero kailangang ito ay ating malaman Upang ating maiwasan Ang buhay na walang katuturan. Kaya babala lang aking kaibigan Iwasan mo ang pagiging makasarili at kasakiman Baka isang araw ikaw ay mangangailangan bantay ka at baka di ka rin tutulungan. Alam kong marami ang masasaktan Dito sa aking mga salitaan Pero huwag nyo po akong pagalitan Dahil lahat ng ito ay mga paalaala lamang. Hangaan din natin ang mga nagtagumpay Na maitaguyod at mapaunlad ang kanilang buhay Nang dahil sa sariling kasikapan Sila ay napabuti at biniyayaan. Salamat din kay Charice Pempengco Ipinakita ang galing at talento ng mga Filipino Pati na rin kay Manny Pacquiao Sa lakas ng suntok dangal ay nag-uumapaw. Salamat din pala sa mga tunay na kaibigan Na naging matapat sa samahan Sa hirap man at sa ginhawa Nandoon at karamay mo sila. Ako rin po ay nagpapasalamat Sa aking mga magulang at mga kapatid Pati na rin sa mga kaibigan Na siyang nagbigay ng inspirasyon at dahilan Upang sa buhay ay matutong lumaban. Sana kahit saan man tayo Sa ibat' ibang panig ng mundo Itaas ang ating bandila At taas noong ipakita Na tayo'y mga Filipino. Ako rin po ay nagtiis Upang mapagtapos sa kolehiyo Ang limang mga kapatid ko Salamat sa awa at gabay ng Panginoon Nakaraos din po ako ngayon. Taos puso din akong nagpapasalamat Dahil krus na pasan ay naibsan at nabawasan Pagkatapos ng labintatlong taong sakripisyo at pagsisikap Buhay ko ngayon ay medyo umangat. Ako rin po ay nagpapasalamat Sa mga biyaya at grasyang natamo Napakabuti talaga Niya sa lahat ng tao Na dito sa mundo ay nagsusumamo. Kaya ako ngayon ay kuntento na at maligaya At panahon na rin siguro Upang harapin ko ang pagbuo Ng aking sariling pamilya at mundo. Simple ngunit masayang buhay Ngayon ay aking natikman at naranasan Sa piling ng aking mabait, mapagmahal, matulungin At maunawaing kabiyak na Aleman. Huwag nyo po akong kainggitan Lalo na ang aking lakwatsahan Dahil yan po sa isa sa aking kaligayahan Upang masaksihan ang kultura sa ibang bayan. Minsan ang ating sakripisyo Ay may katumbas na kaginhawaan Kaya dapat nating pasalamatan Ang lahat ng grasya at biyayang natikman. Dahil nga ako ngayon ay walang trabaho Dahil parating sumasakit ang likod ko Bunga ito noon ng sobrang kayod at sakripisyo Pero kuntento na rin ako Dahil lahat ng kailangan ay nandirito. Kaya ang isa kong Nars na sistah Nakipagsapalaran din sa Amerika Upang patuloy na sumuporta Sa aming malaking pamilya. Kaya kung kayo ngayon ay may trabaho Huwag waldas doon at dito Maglaan sa kinabukasan Para sa inyong kabutihan at kapakanan. Meron din akong hinihiling At parati kung dinadalangin Na sanay's bigyan ng mabuting pangangatawan Ang aking mga pamilya at mga kaibigan. Huwag din natin kalimutan Ang pagpapahalaga sa ating pamilya at mga kaibigan Lalo na sa ating sariling bayan Dahil sila ang mga dahilan Kung bakit buhay nati'y may katuturan. Kaya sa tulang ito na nilikha ko Para sa mga kapwa Expat at OFW Kahit saang panig ng mundo man tayo Sana'y huwag nating kalimutan Na tayo ay mga kayumangging Filipino. Meron pa akong hinihiling Sana ang gobyerno natin Isipin ang kapakanan ng sambayanan Upang kahirapan ay maiwasan. Pasensiya na po kayo Kung napakataas ng tula ko Pero sana naman kahit ganito My magandang leksiyon na nakuha tayo. Ang mga salitang nilikha ko dito Ay base po lamang sa nasaksihan At sa aking pang-araw araw na karanasan. Kaya kung sino po ang matamaan Ako po'y ipagpaumanhin at pasensiyahan. Sana naman atin ding pagsikapan Na tayo ay magka-isa at magtulungan Iwasan ang kayabangan at pag-iinggitan Upang ating mga mithiin ay makamtan. Paalala at huling kahilingan Sa ating kapwa kababayan Sana ay huwag natin kalimutan Ang ating sinilangan at pinagmulan. Kaya bilang mga Filipino Sikapin nating ihandog sa mundo Pagbubuklod, pagkakaisa at kapayapaan Upang ating mundo ay may kapanatagan. Sanlibong milya na ata itong sinulat ko Kaya hinay-hinay ko nang tapusin Pero ang mithi ko ay di pagalitin Lalo na mga mambabasang kauri natin. Kagaya ninyo, hindi rin po ako perpekto. Ako rin poy' nagkakamali. Ngunit salamat sa kamalian na naging gabay Upang buhay ko'y maituwid Ang landas at patutunguhan. Sana ako'y huwag husgahan ninyo Sa mga sinulat at kinuwento ko Pero sa pagkakaalam at paniniwala ko Lahat na ito ay pawang totoo. At pagtatapos ng tulang ito Nais ko pong inyong malaman Na tanging hiling ko rin lang Ay mapaunlad at mapabuti Ang ating mahal at sariling bayan. |
MABUHAY ANG PILIPINAS!
MABUHAY ANG MGA PINOY EXPATS AT OFW NA SIYANG ITINUTURING NA BAGONG BAYANI NG BAYAN!
MABUHAY ANG LAHAT NG FILIPINO KAHIT SAAN MAN TAYO!
You can cast your vote in PEBA site by clicking here and check #32, Travel and Explore Germany. Thanks for your time and effort.
P.S. Maraming salamat din po kay Kenji. Kung hindi dahil sa pangungulit niya, and tula pong ito ay hindi nabuo! Mabuhay din ang PEBA!








29 comments:
thank you for joining PEBA...
we will inform you once your entry is added in the poll...
nice poem... ang daming characters. makatotohanan.
GOODLUCK!
btw, what city in germany??? we need it in the poll...
Whew! Haba ng tula! Pero totoo naman ang mga tinuran mo. Iba't-ibang ang karakter nating mga Pinoy. May mapagmataas, may palabati, may mapanghusga, may palakaibigan, etc. Pero ang isang katotohanan ay ito: maybe later than sooner, uuwi rin tayo sa Pinas kung saan nanduon ang puso natin. Because there is really no place like home.
Sa bawat karakters na tinuran mo sa poem mo, isa lang ang dapat mong igawad sa kanila: ngiti. Dahil tayong mga Pinoy ang may pinakamatamis na ngiti sa buong mundo.
Congrats po sa PEBA entry nyo and I wish you good luck.
Hi Azel and peba team, thanks for the ops in joining Peba..
Hi Isladenebz. totto nga ang sinabi mo..ngingiti na lang talaga tayo! salamat sa bisita!
good luck din pala sa iyo!
****totoo!
kapatid ikw ba yan!?..
u kept me at the edge of my seat, huh..and i could help but read it line by line..naalala ko ung pagbabasa ko ng pasyon. :)
kidding aside. im proud of u.
this is not just the story of your expat life..but ours as well..i love your novel/poem. its very you.and its very us. it maybe chapter filled..but its an eye-opener reminder to humble ourselves..and learn to look our roots the same way.
poem and poetry is a wonderful thing to express our insights. more of these to come.! ull get my support.
hey kapatid salamat po sa pagdaan..mana ata ako sa iyo paggawa ng tula...ingat po!
para ata akong natamememe sa comment mo! alam ko magaling ka sa poetry eh...congrats to all pinoy!
wow natapos ko rin ang isang makulay, masalamuot,mapanuri at mapagsiyasat na tula.
Ito po talaga ang tunay na kulaw ng buhay ng bawat OFW/Expat. May napapabuti at may hindi. May nakakatulong at maroon din hindi.
Kaya sa payo mo ay dapat na maging gabay sa bawat tao. Hindi lang nabubuhay ang bawat isa sa sarili lamang. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang walng pangangailangan.
Salamat sa iyong inspiring story. Goodluck po sa yung entry and have a nice day.
hello Life Moto..salamat po sa komentaryo..nakakataba po ng puso..tama ka nga ganon lang talaga ang buhay nating mga expat...ang mahalaga tama ang ginagawa natin at wala tayong natatapakan na tao..
pasensiya na di ako masyadong nangangampanya nitong entry ko..ang mahalaga nai-share ko ang aking pananaw at mga karanasan..
Ito lang ang kagandahan ng blogging we can share our thoughts, fear anger joy and love . basta wag lang below the belt. para hindi ka maging instant celebrity.
ganda ng sinulat kahit mahaba. tutuo rin iyong mga sinabi at marami na rin akong nakilalang ganyan. Mabuti rin naman at naging maayos ang buhay mo diyan. Good luck sa PEBA! :)
I agree with you Life Moto..tama ka dyan..basta huwag lang below the belt...kawawa naman ang mga naging instant celebrities..salamat po sa bisita uli..
Hi Tess, daghang salamat sa pagbilin ug mensahe diri..hapi to see yah around!
count me in, im done voting for your blog!! bewst wishes
Hi, Rubz. Amazing ka man lagi managalog. Ako gani, 16 years na diri sa Manila, wala gyoy nakat-onan nga Tagalog. Pastilang taasa sa imong poem pero daghan gyod sab napatamaan.
Good luck sa imong pagka-nominee for sa Pinoy Expats Blog Awards. I have just casted my vote on your favor...
Hi Blue..thanks for your support..hope all is doing good with you and ur family! ingat!
Dong, salamat sa suporta..lagi uy murag kahibalo man diay ko mutagalog..hahaha...usahay magliko-liko na ning akong dila kay dia pay german language diri nga pirting gahia...ayo2 Dopng..hinaut na u n ur family are doing good right now!
Hi, Euroangel. It's an award-winning poem. Bisaya sab diay ka? I saw from the comment above, you and Rubybenz is one person? Sorry for asking. By the way, I came across your blog through the blog of my friend Dodong Flores. That's how I found your blog and I'm just new to blogging.
I already added to my blogroll your other blog (if it is yours - Euroangel Graffiti). I will also add this blog to my blogroll if you don't mind.
Thank you very much for your visit (as a new blogger, it's very inspiring to have visited) to my blog.
I also vote for your blog sa PEBA.
Good luck, Rubz. I hope kining imong blog ang mapili...
Salamat sa imong best wishes for me and my wife.
Happy 6th wedding anniversary :)
I voted you already and also added this site to my blogroll :D
Cheers...
Hi Dong, Thanks a lot for the wishes and support..tan awon nato unsa ang resulta ani..thanks sa greetings too...haaayyy kabuang akong keyboard...saon na lang
Hi Renz, bisdak pud diay ka..salamat sa boto...ayo2 mo diha..sige lang will let u know if na add na tika....will return back ur visit soon...pasensiya na ang mabuang ko sa akong keyboard...
halu ate,
Good luck! unta imo blog ang mapili..nice poem! maka-struck gyud!sulit kaau!hehehe...God bless...miz yah!
Tulungan po natin manalo ang kababayan nting si Efren sa CNN "Hero of the Year". Online ang voting at pwede bumoto ng maraming beses. Eto po ang link CNN Heroes
WOW! what an inspiring poem! It's true maka-relate ko euroangel! Goodluck and God Bless!
HI Anonymous,
thanks a lot for your thoughts...happy to see yah around..God bless you too!
Hi,
medyo mahaba nga yung tula, actually parang nobela na,pero lahat ng sinabi mo ay totoo. matagal na din ako sa abroad at oo, nadala na ako makipag kaibigan sa kapwa ko kababayan kase sila mismo ang gumagawa ng kalokohan. di na rin ako halos umuuwi satin. tama ka, kanya kanya tayong dahilan kung bakit tayo lumayo sa ating sariling bayan. sa kaso ko naman, pamilya ang dahilan. hinde ko naging problema ang pag suporta sa kanila. ang naging problema ko ay kung paano ako minaktrato ng sarili kong pamilya. kung paano ko pinagpaguran ang perang pinapadala ko sa kanila sya din namang bilis kung pano nila itapon yun.pero hinde na bale yun pera ay pera lang mahahanap pa rin natin yan, ang masakit sa lahat at sila pa ang mag da down sayo emotionally & physically. ok lang sama kung isang beses isang buwan lang pero yung saktan ang damdamin mo araw araw sa telepono, txt at kung saang saang way pa, masyado ng masakit. magmula pa pag ka bata masakit na nag sisikap ka para makatulong ka sa magulang mo at ang kapalit lang ay ang walang sawang pag mumura sayo at mga salitang masasakit na halos dumurog sa kaluluwa mo. kaya mas minabuti ko lang na lumayo na lang. masakit dahil wala naman akong hinangad kundi magkaron lang ng isang pamilya na kahit malayo sana ay andun pa rin ang pag mamahalan. pero wala ako non. at sa abroad. napakaliit ng porsyentong makakilala ka ng maayos na kababayan. maraming salamat sa tula mo. mahaba man pero totoong lahat. more power to you..
Hi Chona, maraming salamat sa iyong makadamdaming komento..para ata akong maiiyak at maluluha dito...para bang sumakit bigla ang aking dibdib habang binabasa ko ang mga sinulat mo...isa talaga yan sa pinakamasakit na bagay kung sariling pamilya natin ang sisira sa atin..parang nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman mo...para bang tagos kaluluwa ika nga kung sarili mong dugo ang yuyurak sa pagkatao natin...
pasalamat naman ako ta hindi ganyan ang aking pamilya..lahat na mga kapatid na pinag-aral ko ay hanggang langit ang pasalamat sa akin nang sila ay napagtaapos ko sa kolehiyo...
siguro mas tatanggapin ko pang kaibigan ang sisira sa aking pero sarili kong pamilya, yun na siguro ang pinakamasakit sa lahat...
sana naman ma-realize din ng pamilya mo ang lahat ng pagsisikap at tulong na ginawa mo sa kanila...
pinakahuli ipanalangin na lang natin na sana mabigyan din sila ng kaliwanagan sa kanilang maling gawain...at sana makatagpo rin tayo ng mga kaibigang taos puso tayong tatanggapin at maging totoo sa atin dahil naranasan ko na rin kung gaano kasakit na akoy siraan ng isang kaibigan na tinuring ko pang kapatid at kapamilya..
pagpalain ka Chona sa iyong kadakilaan..huwag mawalan ng pag-asa..ANG DIYOS AY DI NATUTULOG..GOD BLESS YOU ALWAYS! God bless us all!
That's a very well said arguments...definitely will be hanging around to check more of your writing & inspirations.
Ann :)
www.mhortaleza.vze.com
Post a Comment