Special Post to Fellow Filipinos

Good day everyone especially to all fellow Filipinos all over the world! This entry is different compared to the ones I usually posted here. I believed this is is also in relation to the over all theme of this blogsite being a Filipino Expat here in Germany. I only want to share my observations and experiences as I travelled this thing called life. These stories that I will be sharing might also be the experience of other Filipino Expats and OFWs around the world. I also apologize that this time, this post will be in Filipino language since this is especially addressed and dedicated to fellow Filipinos.

I really don’t know how to begin with this but these are the thoughts that came out of my mind as I started writing this. I know that some might not be happy with this post but this might serve as lessons and awakening to all of us. I am also telling you that I am not perfect but I am always trying to do my best to do the right thing. Here is one quote that I had written last time.

“I am not human if I don’t commit mistakes
but I am thankful that through these mistakes,
I learn more about life
and my life has become better.”

by: Ruby Benz

Before I start, I would like to thank and acknowledge the PEBA organizer, Kenji and all supporters who made this event possible! Congratulations to all of you and good luck to all PEBA participants.

I guess I am starting right now. Please bear with me because this is quite a very long post. I apologize for that. I hope you have the patience to continue reading. I also apologize for any errors in grammar or typing. Your very welcome to correct them. Continue reading please!

Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo ay nandito sa banyagang bayan.
Bakit nga ba milyong mga Filipino ang nakipagsapalaran sa milya-milyang layo’ng mga bansa ng dayuhan. Sa gitnang silangan, Amerika, Europa, Australya, Kanada at sa iba pang panig ng mundo. Wika nga parang mga kabute raw tayo. Bakit nga ba nagtiis ang ibang Filipino sa init ng Saudi Arabia at sa lamig ng Europa?

Minsan tinatanong ko rin, bakit ko nga ba iniwan ang aking magara at matinong trabaho sa bangko, sa opisinang di-aircon pa at isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Oo, magara nga kung tingnan ang uniporme ngunit magkasya ba ang suweldo sa limang kapatid ko noong pinapaaral sa kolehiyo? Masusuportahan ko ba at matulungan ang aking pamilya sa kakapiranggot na sahod? Ang mga ito ay iilan lamang sa mga katanungan na aking napag-isipan. Bakit nga ba iniwan ang sarili kong bayan?

Alam kong hindi ko obligasyon na buhayin ang aking pamilya. Pero dahil na rin siguro sa dugo natin ang pagiging matulungin at pagmamahal sa pamilya kaya natin nagawa ang lahat ng sakripisyong ito. Nais kung maiahon ang aming pamilya at mabigyan ng magandang edukasyon at bhinaharap ang aking mga kapatid. Yun ang ibang dahilan na nagbigay ng inspirasyon at determinasyon kung bakit nakaya kong iwanan ang aking mahal pamilya sa Pilipinas pati na rin ang aking mga mahal na kaibigan.




    Bawat isa sa atin ay may mga dahilan
    kung bakit natin iniwan ang sariling bayan.
    Alam kong meron ding mga kapwa Filipinong
    di nila maintindihan
    kung bakit nga ba iniwan natin ang sariling bayan.
    Kung ano man ang ating kanya-kanyang mga dahilan,
    alam ko na dahil ito sa kapakanan
    at kabutihan ng ating pamilya at sambayanan.

    Alam ko rin na may kanya-kanya tayong
    mga kuwento at argumento
    dahil sa ibabaw ng mundong ito
    ang buhay ay sadyang ganito.

    Kaya heto at simulan ko na
    Ang tulang walang titulo
    Upang magsilbing gabay sa atin
    at pumukaw sa ating damdamin.

    Mahigit anim na taon akong nakipagsapalaran
    sa bansa ng mga Aleman.
    Aking masasabi na natagpuan ko dito
    ang aking bagong mundo at tahanan.
    Ngunit di ko parin makalimutan
    na nanalaytay sa aking mga kaugatan
    at sa aking puso na ako ay Filipino.

    Hindi ko nga mawari at maintindihan
    na merong mga kababayan
    na itinakwil at tinalikdan
    ang kanilang pinanggalingan.

    Inaakong sila ay Amerikano o ano pa man
    Ngunit sa kayumangging kulay ng balat at kapanguan ng ilong,
    sila pa rin ay Filipino
    kahit lumubog man ang mundo.

    “BATO-BATO SA LANGIT
    ANG TAMAAN HUWAG MAGALIT”

    Minsan meron din akong natagpuan.
    Akala ko ay kababayan.
    Akin siyang nginitian.
    Ngunit ganti niya’y kabastusan.

    Sino ba ang di masaya
    kung may nakita tayong kapwa Filipino at Filipina
    at tinuring pa nating kapamilya
    Ngunit wala ring kabuluhan
    kung tayo ay tinalikdan at siniraan.

    Meron pa akong nakilala.
    Akala niya as magandang buhay sa Alemanya
    Maganda nga ba pag sinaktan ka
    ng iyong kabiyak at asawa.

    Tinulungan ko siyang lumaya.
    Alang-alang man lang sa sanggol niyang dinadala
    Sana naman may kinabukasan pa
    sa isang kawawang katulad niya.

    Meron pa ditong kapwa Filipina
    Buwan-buwan nagpapadala
    Akala si Nene ay nag-aaral pa
    Nalulong pala sa bisyo at barkada.

    Humingi din ng pera si Nanay at Tatay
    Ang sabi ipacheck-up daw sa ospital
    Ngunit sa madyungan at sabungan lang pala
    Bumagsak ang padalang pera.

    Kawawa naman si Ate at si Kuya
    Pati na rin ang tinatawag na mga Ama’t Ina
    Nagtiis na magtrabaho para lang sa pamilya
    Ngunit minsan ang padalang pera
    Ay nauwi lang sa wala.

    Nandito pa ang akala mong si senyora
    Nanggaling lang sa Canada o Europa
    Pag nagbakasyon sa Asya
    Akala mo kung sinong manlait at umasta
    Di pa inamin na katulong lang siya.

    Nagyabang pa itong si Neneng
    Dahil alahas niya’s nagniningning
    Mamahalin pa raw ang mga bag at gamit niya
    Kasama na ang gucci at prada
    Yun pala’y kredit kard ginamit nya.

    Ang problema pa diyan
    Pagdating ng bayaran
    Ubos na pala ang sinahod niya.
    Patay kang bata ka!

    Heto rin pong si Inday
    Umiiwas sa kapwa Pinay
    Dahil sa di magandang karanasan
    Kanyang kabutihan at kabaitan
    Sinuklian ng kademonyuhan.

    Kaya minsan pumasok sa isipan
    Mabuti pang blogging sa internet ang atupagin
    Marami pang matutunan
    At kikita pa ng pera kahit kapiranggot lang.

    Naku ewan minsan di ko maintindihan
    Itong ating ibang mga kababayan
    Mapagmataas at sobrang mayabang.
    Mga gawaing wala namang kabuluhan.

    Eto pa si Miss Tekya
    Nagyabang sa mga kakilala
    Milyon daw ang bahay niyang magara
    Pero yun pala, sa kabitbahay niya.

    Siguro okey lang na mayabang
    Kung totoo namang lahat ng salitang
    sinabi at binitiwan
    Pero wala namang katotohanan.

    Kaya kuntento na rin ako
    Sa aming bahay na luma pero buo
    Basta naman ang nakatira ay masaya
    At maturing mong totoong tao.

    Meron ding ibang mga kabitbahay
    Tinuring mong kapatid at kasambahay
    Pinagkatiwaan bilang tapat na kaibigan
    Pagkatalikod mo pa lang
    Tinira ka na at binanatan.

    Sino naman sana ang magtutulungan
    Kundi kapwa magkababayan
    Ngunit ang masakit pa diyan
    Kung ikaw ay tinalikdan
    At sinuklian ng purong kasinungalingan.

    Nandiyan rin si Tralala
    Nakapag-asawa lang ng puti sa Amerika
    Akala mo’y mas malaki pa
    Sa kalabaw na tinuntungan niya.
    Wika nga, “langaw na tumuntong sa kalabaw”.

    Nais ko ring ipaalam
    Bago mawala sa aking isipan
    Ang tunay na kahulugan ng buhay
    Ay di lahat sa materyal na bagay.

    Hindi rin po masamang mangarap
    Na tayo’y yumaman at umangat
    Basta ito ay galing sa sariling pagsisikap
    At hindi panloloko sa ibang tao.

    Huwag din po nating husgahan
    Ang ating kapwa kababayan
    Lalo na at tayo’y walang kaalaman
    Sa tunay niyang kalagayan.

    Kaya kung wala kang masabing kabutihan
    Sa iyong kapwa at kababayan
    Mabuti pa’y itikom mo na
    Yang bunganga mong bumubula.

    Alam kong masakit ang katotohanan
    Pero kailangang ito ay ating malaman
    Upang ating maiwasan
    Ang buhay na walang katuturan.

    Kaya babala lang aking kaibigan
    Iwasan mo ang pagiging makasarili at kasakiman
    Baka isang araw ikaw ay mangangailangan
    bantay ka at baka di ka rin tutulungan.

    Alam kong marami ang masasaktan
    Dito sa aking mga salitaan
    Pero huwag nyo po akong pagalitan
    Dahil lahat ng ito ay mga paalaala lamang.

    Hangaan din natin ang mga nagtagumpay
    Na maitaguyod at mapaunlad ang kanilang buhay
    Nang dahil sa sariling kasikapan
    Sila ay napabuti at biniyayaan.

    Salamat din kay Charice Pempengco
    Ipinakita ang galing at talento ng mga Filipino
    Pati na rin kay Manny Pacquiao
    Sa lakas ng suntok dangal ay nag-uumapaw.

    Salamat din pala sa mga tunay na kaibigan
    Na naging matapat sa samahan
    Sa hirap man at sa ginhawa
    Nandoon at karamay mo sila.

    Ako rin po ay nagpapasalamat
    Sa aking mga magulang at mga kapatid
    Pati na rin sa mga kaibigan
    Na siyang nagbigay ng inspirasyon at dahilan
    Upang sa buhay ay matutong lumaban.

    Sana kahit saan man tayo
    Sa ibat’ ibang panig ng mundo
    Itaas ang ating bandila
    At taas noong ipakita
    Na tayo’y mga Filipino.

    Ako rin po ay nagtiis
    Upang mapagtapos sa kolehiyo
    Ang limang mga kapatid ko
    Salamat sa awa at gabay ng Panginoon
    Nakaraos din po ako ngayon.

    Taos puso din akong nagpapasalamat
    Dahil krus na pasan ay naibsan at nabawasan
    Pagkatapos ng labintatlong taong sakripisyo at pagsisikap
    Buhay ko ngayon ay medyo umangat.

    Ako rin po ay nagpapasalamat
    Sa mga biyaya at grasyang natamo
    Napakabuti talaga Niya sa lahat ng tao
    Na dito sa mundo ay nagsusumamo.

    Kaya ako ngayon ay kuntento na at maligaya
    At panahon na rin siguro
    Upang harapin ko ang pagbuo
    Ng aking sariling pamilya at mundo.

    Simple ngunit masayang buhay
    Ngayon ay aking natikman at naranasan
    Sa piling ng aking mabait, mapagmahal, matulungin
    At maunawaing kabiyak na Aleman.

    Huwag nyo po akong kainggitan
    Lalo na ang aking lakwatsahan
    Dahil yan po sa isa sa aking kaligayahan
    Upang masaksihan ang kultura sa ibang bayan.

    Minsan ang ating sakripisyo
    Ay may katumbas na kaginhawaan
    Kaya dapat nating pasalamatan
    Ang lahat ng grasya at biyayang natikman.

    Dahil nga ako ngayon ay walang trabaho
    Dahil parating sumasakit ang likod ko
    Bunga ito noon ng sobrang kayod at sakripisyo
    Pero kuntento na rin ako
    Dahil lahat ng kailangan ay nandirito.

    Kaya ang isa kong Nars na sistah
    Nakipagsapalaran din sa Amerika
    Upang patuloy na sumuporta
    Sa aming malaking pamilya.

    Kaya kung kayo ngayon ay may trabaho
    Huwag waldas doon at dito
    Maglaan sa kinabukasan
    Para sa inyong kabutihan at kapakanan.

    Meron din akong hinihiling
    At parati kung dinadalangin
    Na sanay’s bigyan ng mabuting pangangatawan
    Ang aking mga pamilya at mga kaibigan.

    Huwag din natin kalimutan
    Ang pagpapahalaga sa ating pamilya at mga kaibigan
    Lalo na sa ating sariling bayan
    Dahil sila ang mga dahilan
    Kung bakit buhay nati’y may katuturan.

    Kaya sa tulang ito na nilikha ko
    Para sa mga kapwa Expat at OFW
    Kahit saang panig ng mundo man tayo
    Sana’y huwag nating kalimutan
    Na tayo ay mga kayumangging Filipino.

    Meron pa akong hinihiling
    Sana ang gobyerno natin
    Isipin ang kapakanan ng sambayanan
    Upang kahirapan ay maiwasan.

    Pasensiya na po kayo
    Kung napakataas ng tula ko
    Pero sana naman kahit ganito
    My magandang leksiyon na nakuha tayo.

    Ang mga salitang nilikha ko dito
    Ay base po lamang sa nasaksihan
    At sa aking pang-araw araw na karanasan.
    Kaya kung sino po ang matamaan
    Ako po’y ipagpaumanhin at pasensiyahan.

    Sana naman atin ding pagsikapan
    Na tayo ay magka-isa at magtulungan
    Iwasan ang kayabangan at pag-iinggitan
    Upang ating mga mithiin ay makamtan.

    Paalala at huling kahilingan
    Sa ating kapwa kababayan
    Sana ay huwag natin kalimutan
    Ang ating sinilangan at pinagmulan.

    Kaya bilang mga Filipino
    Sikapin nating ihandog sa mundo
    Pagbubuklod, pagkakaisa at kapayapaan
    Upang ating mundo ay may kapanatagan.

    Sanlibong milya na ata itong sinulat ko
    Kaya hinay-hinay ko nang tapusin
    Pero ang mithi ko ay di pagalitin
    Lalo na mga mambabasang kauri natin.

    Kagaya ninyo, hindi rin po ako perpekto.
    Ako rin poy’ nagkakamali.
    Ngunit salamat sa kamalian na naging gabay
    Upang buhay ko’y maituwid
    Ang landas at patutunguhan.

    Sana ako’y huwag husgahan ninyo
    Sa mga sinulat at kinuwento ko
    Pero sa pagkakaalam at paniniwala ko
    Lahat na ito ay pawang totoo.

    At pagtatapos ng tulang ito
    Nais ko pong inyong malaman
    Na tanging hiling ko rin lang
    Ay mapaunlad at mapabuti
    Ang ating mahal at sariling bayan.




MABUHAY ANG PILIPINAS!
MABUHAY ANG MGA PINOY EXPATS AT OFW NA SIYANG ITINUTURING NA BAGONG BAYANI NG BAYAN!
MABUHAY ANG LAHAT NG FILIPINO KAHIT SAAN MAN TAYO!



You can cast your vote in PEBA site by clicking here and check #32, Travel and Explore Germany. Thanks for your time and effort.

P.S. Maraming salamat din po kay Kenji. Kung hindi dahil sa pangungulit niya, and tula pong ito ay hindi nabuo! Mabuhay din ang PEBA!

 

29 Responses to “Special Post to Fellow Filipinos”

  1. A-Z-E-L Says:

    thank you for joining PEBA…

    we will inform you once your entry is added in the poll…

    nice poem… ang daming characters. makatotohanan.

    GOODLUCK!

    btw, what city in germany??? we need it in the poll…

  2. isladenebz Says:

    Whew! Haba ng tula! Pero totoo naman ang mga tinuran mo. Iba’t-ibang ang karakter nating mga Pinoy. May mapagmataas, may palabati, may mapanghusga, may palakaibigan, etc. Pero ang isang katotohanan ay ito: maybe later than sooner, uuwi rin tayo sa Pinas kung saan nanduon ang puso natin. Because there is really no place like home.

    Sa bawat karakters na tinuran mo sa poem mo, isa lang ang dapat mong igawad sa kanila: ngiti. Dahil tayong mga Pinoy ang may pinakamatamis na ngiti sa buong mundo.

    Congrats po sa PEBA entry nyo and I wish you good luck.

  3. Euroangel Says:

    Hi Azel and peba team, thanks for the ops in joining Peba..

    Hi Isladenebz. totto nga ang sinabi mo..ngingiti na lang talaga tayo! salamat sa bisita!

  4. Euroangel Says:

    good luck din pala sa iyo!
    ****totoo!

  5. AJ Says:

    kapatid ikw ba yan!?..
    u kept me at the edge of my seat, huh..and i could help but read it line by line..naalala ko ung pagbabasa ko ng pasyon. 🙂

    kidding aside. im proud of u.

    this is not just the story of your expat life..but ours as well..i love your novel/poem. its very you.and its very us. it maybe chapter filled..but its an eye-opener reminder to humble ourselves..and learn to look our roots the same way.

    poem and poetry is a wonderful thing to express our insights. more of these to come.! ull get my support.

  6. Euroangel Says:

    hey kapatid salamat po sa pagdaan..mana ata ako sa iyo paggawa ng tula…ingat po!

    para ata akong natamememe sa comment mo! alam ko magaling ka sa poetry eh…congrats to all pinoy!

  7. Life Moto Says:

    wow natapos ko rin ang isang makulay, masalamuot,mapanuri at mapagsiyasat na tula.

    Ito po talaga ang tunay na kulaw ng buhay ng bawat OFW/Expat. May napapabuti at may hindi. May nakakatulong at maroon din hindi.

    Kaya sa payo mo ay dapat na maging gabay sa bawat tao. Hindi lang nabubuhay ang bawat isa sa sarili lamang. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang walng pangangailangan.

    Salamat sa iyong inspiring story. Goodluck po sa yung entry and have a nice day.

  8. Euroangel Says:

    hello Life Moto..salamat po sa komentaryo..nakakataba po ng puso..tama ka nga ganon lang talaga ang buhay nating mga expat…ang mahalaga tama ang ginagawa natin at wala tayong natatapakan na tao..

  9. Euroangel Says:

    pasensiya na di ako masyadong nangangampanya nitong entry ko..ang mahalaga nai-share ko ang aking pananaw at mga karanasan..

  10. Life Moto Says:

    Ito lang ang kagandahan ng blogging we can share our thoughts, fear anger joy and love . basta wag lang below the belt. para hindi ka maging instant celebrity.

  11. Marites Says:

    ganda ng sinulat kahit mahaba. tutuo rin iyong mga sinabi at marami na rin akong nakilalang ganyan. Mabuti rin naman at naging maayos ang buhay mo diyan. Good luck sa PEBA! 🙂

  12. Euroangel Says:

    I agree with you Life Moto..tama ka dyan..basta huwag lang below the belt…kawawa naman ang mga naging instant celebrities..salamat po sa bisita uli..

  13. Euroangel Says:

    Hi Tess, daghang salamat sa pagbilin ug mensahe diri..hapi to see yah around!

  14. bluedreamer27 Says:

    count me in, im done voting for your blog!! bewst wishes

  15. dodong flores Says:

    Hi, Rubz. Amazing ka man lagi managalog. Ako gani, 16 years na diri sa Manila, wala gyoy nakat-onan nga Tagalog. Pastilang taasa sa imong poem pero daghan gyod sab napatamaan.
    Good luck sa imong pagka-nominee for sa Pinoy Expats Blog Awards. I have just casted my vote on your favor…

  16. Euroangel Says:

    Hi Blue..thanks for your support..hope all is doing good with you and ur family! ingat!

  17. Euroangel Says:

    Dong, salamat sa suporta..lagi uy murag kahibalo man diay ko mutagalog..hahaha…usahay magliko-liko na ning akong dila kay dia pay german language diri nga pirting gahia…ayo2 Dopng..hinaut na u n ur family are doing good right now!

  18. Renz Taburada Says:

    Hi, Euroangel. It’s an award-winning poem. Bisaya sab diay ka? I saw from the comment above, you and Rubybenz is one person? Sorry for asking. By the way, I came across your blog through the blog of my friend Dodong Flores. That’s how I found your blog and I’m just new to blogging.
    I already added to my blogroll your other blog (if it is yours – Euroangel Graffiti). I will also add this blog to my blogroll if you don’t mind.
    Thank you very much for your visit (as a new blogger, it’s very inspiring to have visited) to my blog.
    I also vote for your blog sa PEBA.

  19. dodong flores Says:

    Good luck, Rubz. I hope kining imong blog ang mapili…
    Salamat sa imong best wishes for me and my wife.
    Happy 6th wedding anniversary 🙂

  20. Renz Taburada Says:

    I voted you already and also added this site to my blogroll 😀
    Cheers…

  21. Euroangel Says:

    Hi Dong, Thanks a lot for the wishes and support..tan awon nato unsa ang resulta ani..thanks sa greetings too…haaayyy kabuang akong keyboard…saon na lang

  22. Euroangel Says:

    Hi Renz, bisdak pud diay ka..salamat sa boto…ayo2 mo diha..sige lang will let u know if na add na tika….will return back ur visit soon…pasensiya na ang mabuang ko sa akong keyboard…

  23. Anonymous Says:

    halu ate,

    Good luck! unta imo blog ang mapili..nice poem! maka-struck gyud!sulit kaau!hehehe…God bless…miz yah!

  24. Proud To Be Pinoy Says:

    Tulungan po natin manalo ang kababayan nting si Efren sa CNN “Hero of the Year”. Online ang voting at pwede bumoto ng maraming beses. Eto po ang link CNN Heroes

  25. Anonymous Says:

    WOW! what an inspiring poem! It’s true maka-relate ko euroangel! Goodluck and God Bless!

  26. Euroangel Says:

    HI Anonymous,
    thanks a lot for your thoughts…happy to see yah around..God bless you too!

  27. Chona Says:

    Hi,
    medyo mahaba nga yung tula, actually parang nobela na,pero lahat ng sinabi mo ay totoo. matagal na din ako sa abroad at oo, nadala na ako makipag kaibigan sa kapwa ko kababayan kase sila mismo ang gumagawa ng kalokohan. di na rin ako halos umuuwi satin. tama ka, kanya kanya tayong dahilan kung bakit tayo lumayo sa ating sariling bayan. sa kaso ko naman, pamilya ang dahilan. hinde ko naging problema ang pag suporta sa kanila. ang naging problema ko ay kung paano ako minaktrato ng sarili kong pamilya. kung paano ko pinagpaguran ang perang pinapadala ko sa kanila sya din namang bilis kung pano nila itapon yun.pero hinde na bale yun pera ay pera lang mahahanap pa rin natin yan, ang masakit sa lahat at sila pa ang mag da down sayo emotionally & physically. ok lang sama kung isang beses isang buwan lang pero yung saktan ang damdamin mo araw araw sa telepono, txt at kung saang saang way pa, masyado ng masakit. magmula pa pag ka bata masakit na nag sisikap ka para makatulong ka sa magulang mo at ang kapalit lang ay ang walang sawang pag mumura sayo at mga salitang masasakit na halos dumurog sa kaluluwa mo. kaya mas minabuti ko lang na lumayo na lang. masakit dahil wala naman akong hinangad kundi magkaron lang ng isang pamilya na kahit malayo sana ay andun pa rin ang pag mamahalan. pero wala ako non. at sa abroad. napakaliit ng porsyentong makakilala ka ng maayos na kababayan. maraming salamat sa tula mo. mahaba man pero totoong lahat. more power to you..

  28. Euroangel Says:

    Hi Chona, maraming salamat sa iyong makadamdaming komento..para ata akong maiiyak at maluluha dito…para bang sumakit bigla ang aking dibdib habang binabasa ko ang mga sinulat mo…isa talaga yan sa pinakamasakit na bagay kung sariling pamilya natin ang sisira sa atin..parang nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman mo…para bang tagos kaluluwa ika nga kung sarili mong dugo ang yuyurak sa pagkatao natin…
    pasalamat naman ako ta hindi ganyan ang aking pamilya..lahat na mga kapatid na pinag-aral ko ay hanggang langit ang pasalamat sa akin nang sila ay napagtaapos ko sa kolehiyo…

    siguro mas tatanggapin ko pang kaibigan ang sisira sa aking pero sarili kong pamilya, yun na siguro ang pinakamasakit sa lahat…

    sana naman ma-realize din ng pamilya mo ang lahat ng pagsisikap at tulong na ginawa mo sa kanila…

    pinakahuli ipanalangin na lang natin na sana mabigyan din sila ng kaliwanagan sa kanilang maling gawain…at sana makatagpo rin tayo ng mga kaibigang taos puso tayong tatanggapin at maging totoo sa atin dahil naranasan ko na rin kung gaano kasakit na akoy siraan ng isang kaibigan na tinuring ko pang kapatid at kapamilya..

    pagpalain ka Chona sa iyong kadakilaan..huwag mawalan ng pag-asa..ANG DIYOS AY DI NATUTULOG..GOD BLESS YOU ALWAYS! God bless us all!

  29. Ann Says:

    That’s a very well said arguments…definitely will be hanging around to check more of your writing & inspirations.

    Ann 🙂
    http://www.mhortaleza.vze.com

 

Leave a Reply

 

Resources

Add to Technorati Favorites

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

FEEL FREE TO FOLLOW AND SUBSCRIBE TO GET UPDATED WITH MY LATEST POSTS ABOUT GERMANY. THANKS AND HAVE FUN!


WANT TO EXCHANGE LINK WITH ME? READ HERE FIRST

Unless otherwise stated, all articles and photographs used on this site, including thumbnails, are the Author's property and are ©copyright. Please do not use our photos without our permission. If you wish to use one of our photos on your personal website or blog, please send us the link to the page where it is being used and the photo must be linked back to this site. We hope that you respect the Authors' request. Thank you for your respect and understanding!

Copyright © 2008-2013 Travel and Explore Germany | All Rights Reserved

Blog Design by Simple Blog MakeOver